Suspek sa tangkang pagpatay itinumba
February 5, 2003 | 12:00am
CARRANGLAN, Nueva Ecija Pinaniniwalaang paghihiganti ang naging ugat para patayin ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa balkonahe ng kanilang bahay sa Sitio Dalipawen, Barangay Bunga sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Tadtad ng tama ng baril sa katawan ang biktimang si Joel V. Bibay, 19, may asawa ng nabanggit na barangay.
Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-nuwebe ng gabi habang naglalakad sa balkunahe ng kanilang bahay ang biktima.
Hindi pa nakababa ng hagdan ang biktima upang makisama sa mga kaibigang nag-iinuman ng alak sa ibaba ay umalingawngaw na ang malalakas na putok ng baril.
Kaagad naman tinungo ng mga kaibigan at asawang si Rosdemarie ang balkunahe at bumulaga sa kanila ang duguang bangkay ng biktima.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang biktima ay isa sa mga suspek sa bigong pagpatay sa isang alias Lucero Romano noong Agosto 2000 kaya ito ngayon ang tinututukan ng mga imbestigador na posibleng may kaugnayan sa krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended