^

Probinsiya

2 bebot todas sa salpok ng van

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dalawang babae ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng van habang ang mga biktima ay naghihintay ng pampasaherong jeep sa Sitio Binuang, Brgy. Daguit Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Labo District Hospital sina Jeca Candelaria, 6; at Lea Gacho, 40, na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Ginagamot naman sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang biktima na sina Raul Candelaria, Teresita Martinez, Rudy Travallo at Eva Villar na mga naninirahan din sa naturang lugar.

Naitala ang aksidente dakong alas-siyete ng umaga sa harap ng bahay ni Roque Candelaria habang ang mga biktima ay naghihintay ng masasakyang jeep.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na nawalan ng kontrol ang van (XCH-254) na minamaneho ni Almario Villanueva, 34, ng Valenzuela City kaya nagtuloy-tuloy sa kinatatayuan ng mga biktima.

Kasalukuyan namang nakapiit si Villanueva at sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Casulla/Francis Elevado)

ALMARIO VILLANUEVA

CAMARINES NORTE

DAGUIT LABO

ED CASULLA

EVA VILLAR

FRANCIS ELEVADO

JECA CANDELARIA

LABO DISTRICT HOSPITAL

LEA GACHO

LEGAZPI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with