Manager ng security agency itinumba

CAMP CRAME – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang operation manager ng security agency ng tatlong nakamotorsiklong hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naglalakad sa panulukan ng Ramon Rabago at San Juan Street, Cotabato City kamakalawa ng umaga.

Si Climente Dayaday ng Goldfield Investigation Security Agency at residente ng Mintex, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Naitala ang pananambang bandang alas-7:00 ng umaga at bago pa magsitakas ang mga killer ay tinangay ang bag na may malaking halaga na pangsuweldo sa mga tauhan. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments