Halos matusta ang mga biktimang sina Merly Banay, tubong Mindoro at ang kambal na sina Howard at Howel Alcazar, kapwa 12-anyos at residente ng Barangay Luksuhin, Alfonso, Cavite.
Samantala, ang malubhang nasugatan ay nakilalang sina Ruby Mallari at asawang si Reynaldo Mallari na residente ng Taft Avenue, Malate, Manila; Niño De Leon, Carla Famulaklakin at Marivic Bosita na pawang naninirahan sa Dasmariñas, Cavite.
Ang mga biktima ay halos malapnos ang balat sa katawan dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente na bumagsak sa kanila habang pinanonood ang mga kwitis mula sa isang mataas na gusali.
Kinasuhan naman ng pulisya ang may-ari ng mga kuwitis na sina Librado Mapola, Ryan Olveda, Reynan Oliveros at Vincent Lebulla na pawang residente ng Barangay Bigaa, Cabuyao, Laguna.
Naitala ni SPO2 Eduardo Eusebio ang pangyayari dakong alas-10 ng gabi habang pinanonood ng mga biktima kasama ang hindi mabatid na bilang ng tao.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang tinamaan ang linya ng kuryente kaya naputol at bumagsak sa kinaroroonan ng mga biktima. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)