3 'nakapatay' sa 2 pulis timbog
February 3, 2003 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlo sa limang kasapi ng Tolentino-Galicia group na mga suspek sa pagkakapatay sa dalawang pulis sa naganap na engkuwentro noong Enero 26, 2003 sa Barangay Puting Lupa, Calamba City ang iniulat na nasakote ng mga alagad ng batas sa kanilang pinagkukutaan sa magkahiwalay na barangay sa Tanauan City, Batangas, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dalmacio, Teodulo Vicencio at Brigido Borja ay pinaniniwalaang kasapi ng sindikato ng robbery-holdap, carnapping, drug trafficking at kidnapping sa Laguna, Batangas at karatig pook.
Ayon sa ulat ng pulisya, natunton ang pinagkukutaan ng mga suspek sa tulong na rin ng mga residente sa Barangay Barcena at Barangay Pantay Matanda sa naturang lungsod at nakumpiskahan ng baril at ibat ibang uri ng bala ng malalakas na armas.
Ang mga suspek ay responsable sa pagkakapatay kina SPO2 Rodelin Bundalian at SPO4 Rodelo Lareza ng Regional Intelligence and Investigation Division (RIID) makaraang maka-encounter sa Barangay Puting Lupa, Calamba City, Laguna noong nakalipas na buwan.
Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya sina Horacio at Henry Tolentino na kapwa utak sa naganap na encounter. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest