NPA lider sumuko

CASUGURAN, Sorsogon Isang kumander ng New Peoples Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kahapon ng umaga sa lalawigang ito.

Ang sumuko kay Chief Supt. Rodolfo Tor, Region 5 PNP director, ay si Roberto Sanchez alyas kumander Jerry, may asawa, team leader ng KSSI Racquel, KSPN II, KLG 79 at nakatira sa Barangay Abuyog, Sorsogon City.

Isinuko din ni Sanchez ang 2 kalibre 38 baril at mga bala kay C/Supt. Tor saka itinuro ang safehouse ng mga rebelde subalit wala namang inabutan ang mga awtoridad sa nasabing bahay.

Ayon kay Sanchez, napilitan siyang sumuko dahil sa sobrang hirap na kanyang dinadanas sa bundok.

Aniya, maging ang mga kasamahan niyang rebelde ay nais na ring magbalik-loob sa pamahalaan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments