Ang nagsampa ng kasong bigamy at concubinage laban kay Gana ay ang maybahay nitong si Thelma Gana.
Sinabi ni Thelma sa kanyang complaint-affidavit, muling nagpakasal ang kanyang mister kay Ana Maria Magno noong December 21, 2001 gayung balido pa rin ang kanilang kasal.
Ipinagtanggol naman ni Gana na hindi siya puwedeng kasuhan ng bigamy dahil ikinasal siya sa ilalim ng Muslim rites matapos siyang magpa-convert na Muslim.
"There can be no concubinage arising from this 2nd marriage because in accordance therewith, I can get married a second time, even after my marriage to Thelma, and both, my first and second marriages, are valid," giit pa ng dating MIAA deputy manager.
Idinagdag naman ni Thelma, nasa ilalim din ng Muslim code na dapat ay may hawak ring kasulatan ang kanyang mister mula sa Sharia Circuit Court bago ito makapag-asawang muli. (Ulat ni Joy Cantos)