^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Basurero natusta sa kuryente
Antipolo City — Binawian ng buhay noon din ang isang pahinante ng truck ng basura makaraang makuryente nang aksidenteng mahawakan ang isang live wire sa lungsod na ito kamakalawa.

Halos hindi na makilala ang biktimang si Roldan Morales, binata at residente ng Sitio Paraan, Brgy. San Jose matapos magtamo ng matinding pagkasunog ng katawan sa kanugnog na lugar sa Sitio Pantay, dakong alas 4:30 ng hapon.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyan umanong nagtatapon ng durog na marmol ang truck ng basura kung saan pahinante ang biktima nang aksidenteng masagi nito ang isang nakalawit na live wire. (Ulat ni Joy Cantos)
Pulis todas sa sariling baril
Camp Crame — Isang aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang nasawi matapos na aksidenteng maputukan sa ulo ng sarili nitong baril na kanyang nililinis sa lalawigan ng Antique kamakalawa.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Antique Provincial Hospital ang biktimang kinilalang si PO3 Ernesto Cabaluna, miyembro ng Sebaste Municipal Police Station (MPS).

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-7:10 ng gabi sa loob mismo ng istasyon ng pulisya sa naturang lalawigan habang kasalukuyang naka-duty ang biktima nang maisipan umano na linisin ang kanyang service firearm na cal. 9mm pistol.

Nasapul sa kanang bahagi ng kanyang ulo ang nasabing pulis at bagaman tinangka pa itong isugod sa pagamutan ay hindi na rin naisalba ang kanyang buhay. (Ulat ni Danilo Garcia)
LTO Baguio District Chief sinibak ni Lastimoso
Sinibak kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Roberto Lastimoso ang Chief ng LTO Baguio District matapos na umano’y masangkot sa anomalya.

Kinilala ang tinanggal sa puwesto na si Teodora Caguicla, 53 anyos, Senior Transportation District Supervisor at hepe ng LTO-Baguio District Office.

Ang opisyal ay inilagay sa floating status habang dinidinig ang kaso nito sa LTO-Regional Investigation Office kaugnay sa iba’t ibang iregularidad.

Magugunita na si Caguicla ay nadakip sa isang entrapment operations habang tumatanggap ng P3,400 suhol mula sa undercover agents ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Baguio City kapalit ng rehistro ng sasakyan na may problema sa papeles kamakailan. (Ulat ni Angie dela Cruz)
Nang-hostage na NPA todas
Candelaria, Quezon — Napaslang sa shootout ang isang hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga sundalo matapos na manloob at mang-hostage ng pito-katao sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Ang napaslang na suspect na ngayo’y kasalukuyang nakalagak sa Funeraria Reyes ay nagtamo ng dalawang tama ng bala mula sa .45 caliber pistol ay kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan.

Sa report ni P/Supt. Isidore Macasilang, Chief of Police sa bayan ng Candelaria dakong alas-7 ng gabi habang kasalukuyang nagpapahinga sa kanyang tahanan si Roberto Remos nang dumating ang tatlong rebelde na nanloob at nang-hostage sa pamilya nito upang gawing kalasag sa paparating na mga kawal ng pamahalaan. Napilitan umano ang mga sundalo na pasukin ang mga rebelde bunsod upang mag-panic ang mga ito na nauwi sa shootout. (Ulat ni Tony Sandoval)

ANTIPOLO CITY

ANTIQUE PROVINCIAL HOSPITAL

BAGUIO CITY

BAGUIO DISTRICT

BAGUIO DISTRICT CHIEF

BAGUIO DISTRICT OFFICE

CENTER

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with