Camp Usman nabawi ng militar
January 30, 2003 | 12:00am
Cagayan de Oro City Matagumpay na muling nakubkob ng militar ang Camp Usman na panibagong pinagkukutaan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos ang dalawang araw na sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at ng separatistang grupo na ikinasawi ng 17 rebelde habang dalawa pa ang nadakip kabilang ang isang Commander nitong nakalipas na Lunes.
Kinilala ni Major Johnny Macanas ang nahuling lider ng MILF rebels na si Commander Ayog Abdullah na nakorner ng mga tauhan ng 8th at 58th Infantry Battalions ng Philippine Army sa pinagtataguan ng mga itong hukay sa loob ng nasabing kampo.
Base sa report, ang Camp Usman ang ginawang alternatibong kuta ng MILF guerillas matapos na bumagsak sa tropang gobyerno ang Camp Abubakar sa Matanog, Maguindanao, ang itinuturing na pinakamalaking kampo ng separatistang grupo sa all-out-war na inilunsad ng pamahalaan noong taong 2000.
Ang may 2,000 hektaryang kampo ng mga rebelde ay matatagpuan sa bulubunduking bahagi sa pagitan ng mga bayan ng Damulog, Bukidnon at sa mga bayan ng Carmen at Arakan sa North Cotabato.
Magugunita na nitong nakalipas na Enero 26 ay nakasagupa ng mga sundalo ang puwersa ng mga rebeldeng MILF at kasunod nitoy nakubkob naman ang Camp Usman sa walang humpay na operasyon laban sa separatistang grupo.
Nasamsam sa operasyon ang isang 50 caliber machinegun, dalawang M-16 rifles, isang M-14 rifle, isang garand rifle, isang bakal na kahon na naglalaman naman ng 50 caliber machinegun at isang magazine na puno ng mga subersibong dokumento.
Sa kabilang dako, pinabulaanan naman ni MILF Spokesman Eid Kabalu na may mga tauhan silang nagkukuta sa Camp Usman. (Ulat ni Bong Fabe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
22 hours ago
Recommended