Pulis patay, 4 grabe sa barilan
January 27, 2003 | 12:00am
CALAMBA CITY, Laguna Isang kagawad ng pulisya ang kumpirmadong nasawi, samantala, apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang makipagbarilan sa magkapatid na kidnaper sa Barangay Puting Lupa sa lungsod na ito kahapon ng umaga.
Si SPO2 Rodalin Bondalian ay napuruhan sa pakikipagbarilan sa mag-utol na sina Horacio at Henry Tolentino sa nabanggit na barangay.
Samantala, sina PO3 Nemer Tapic, PO1 Joey Canson, SPO4 David Ranesa at PO2 Jesus Ramiada na pawang miyembro ng Regional Intelligence and Investigation Division sa Quezon-CALABARZON ay ginagamot ngayon sa Calamba Medical Center Hospital at Caprini Hospital sa Batangas.
Sinabi ni P/Chief Supt. Enrique Galang Jr., CALABARZON regional director, ang mag-utol na Tolentino ay sangkot sa serye ng kidnapping, carnapping, robbery-hold-up at pagpapakalat ng droga sa Batangas.
Napag-alaman na patungo sa pinagkukutaang bahay ng mag-utol ang 25 pulis na tauhan P/Chief Supt. Enrique Galang upang isilbi ang warrant of arrest bandang alas-6 ng umaga.
Hindi pa nakalalapit ang mga awtoridad ay pinaulanan na sila ng sunud-sunod na putok ng baril na ikinasawi kaagad ni Bondalian at sugatan naman ang apat na pulis.
Nabatid sa ulat ng pulisya na lingid sa kaalaman ng mga awtoridad na sumugod sa bahay ay nakatakas ang mag-utol sa lihim na lagusan sa likurang bahagi ng naturang bahay. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended