Pulis sabit sa rape-slay

BACOOR, Cavite – Isang bagitong pulis na itinuturong sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa isang waitress ang sumuko sa mga awtoridad kahapon sa bayang ito.

Kinilala ni Chief Inspector Alberto Capua, Bacoor police chief, ang sumukong suspect na si PO1 Joselito del Mundo, may-asawa at nakatira sa Block 1 Lot 31 Area S sa Queens row.

Si PO1 del Mundo ang itinuturong sangkot sa panggagahasa at pagpatay sa waitress na si Gheryl Basino na nagtatrabaho sa Four Brothers Videoke sa Molino 3.

Huling nakita ng kanyang mga kaibigang buhay si Gheryl noong Jan. 10 bandang alas-10:00 ng gabi matapos itong sunduin ni PO1 del Mundo.

Magmula noon ay hindi na nakita si Gheryl hanggang sa matagpuan itong hubo’t hubad at patay sa NAIA Road Barangay San Nicolas ng bayang ito noong Jan. 19 ng madaling araw.

Itinanggi naman ng rookie cop na siya ang responsable sa rape-slay sa nasabing waitress. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

Show comments