Sekyu todas sa tinapay
January 25, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Isang security guard ang sinaksak at napatay matapos nitong sitahin ang isang lalaki na nagnakaw ng tinapay sa binabantayan niyang bakeshop kamakalawa sa Cebu City.
Ang biktimang nagtamo ng 2 saksak sa katawan ay nakilalang si Genaro Mancao, 18-anyos, binata, security guard ng Ultimax Protective and Detective Agency at nakatira sa Cebu City.
Batay sa ipinadalang report ng Cebu City police, bandang alas-2:40 kamakalawa ng hapon nang maganap ang insidente sa labas ng Robins Bakeshop sa Escano St., Cebu.
Nag-iikot sa naturang bakeshop ang biktima ng mapansin nito ang hindi kilalang suspect na kumuha ng tinapay at itinago sa t-shirt nito.
Nang sisitahin ng biktima ang suspect ay agad siyang sinalubong ng dalawang saksak sa katawan saka kinuha ang kalibre 38 baril ng security guard at mabilis na tumakas.
Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang nasabing security guard. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended