2 NPA patay sa sagupaan
January 25, 2003 | 12:00am
SORSOGON CITY Dalawang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang nasawi matapos itong maka-engkwentro ng mga miyembro ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) kahapon ng umaga sa Barangay San Juan Bacon ng lungsod na ito.
Ang mga nasawing rebelde ay nakilalang sina Reynaldo Ervas at Raymundo Diaz na pawang mga miyembro ng Alonso Buenaobra Command ng NPA at nakatira sa Barangay Manapo, Gubat, Sorsogon.
Batay sa ulat ng militar, bandang alas-10:00 ng umaga kahapon habang nagsasagawa ng patrulya ang mga miyembro ng 2nd IB ng Army sa nasabing barangay ng mamataan nila ang isang grupo ng mga rebelde hanggang sa magkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Kaagad na nasawi sa unang bugso ng barilan ang 2 rebelde habang mabilis namang tumakas ang iba pang NPA patungo sa ibat ibang direksyon.
Napag-alaman ng militar na ang nasawing mga NPA ay kabilang sa dumukot sa apat na miyembro ng CAFGU noong nakaraang Pasko kung saan ay pinatay ang mga ito sa mismong araw ng ika-34 na anibersaryo ng kilusang komunista.
Kukolekta sana umano ang grupo ng NPA ng revolutionary tax sa mga residente ng nasabing lugar ng maka-engkwentro nito ang militar. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended