Cellphone shop nilooban
January 24, 2003 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Hindi pa mabatid na halaga ng ari-arian ang tinangay ng tatlong armadong hindi kilalang mandurugas makaraang looban ang isang cellphone shop sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Bandang alas-tres ng hapon nang pumasok at magpanggap na bibili ng cellphone ang tatlong hindi kilalang kalalakihan sa Ramjays Enterprises na pag-aari ni Rosalia Gallardo
Napag-alaman sa pagsisiyasat ni PO2 Ronald Lorenzo, ilan sa mga customer ay ninakawan din kabilang na ang ilang staff ng naturang shop saka ikinulong sa banyo.
Pinagbantaan pa ng mga mandurugas na pasasabugin ang naturang shop kapag may pumalag kaya sa takot ng mga customer at staff ay nanahimik na lamang.
May teorya ang mga awtoridad na pinupuntirya ng mga mandurugas ang katanghalian at walang pulis sa naturang lugar bago isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended