Pumatay sa Irish priest sumuko
January 24, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Inamin kahapon nang sumukong kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang ginawang pagdukot at pagpatay sa isang Irish priest noong Agosto 28, 2001 sa Malabang, Mindanao.
Si Dimasangkay Dimauga, 35, na may 56 armed follower ay sumuko sa pulisya kahapon sa Lanao, ayon kay Phil. Army spokesman Johnny Macanas.
May posibilidad na hindi na makuha pa ni Dimauga ang amnestiyang ibinibigay ng pamahalaan sa sinumang rebeldeng sumuko dahil sa ginawa nitong pag-amin sa krimen.
Magugunita na dinukot ng grupo ni Dimauga si Father Rufus Halley na nagsilbi ng 20-taon bilang parokya ng simbahang Romano Katoliko sa Mindanao.
Sa kabilang panig naman ay itinatwa ng pamunuan ng MILF na si Dimauga ay isa sa kanilang sub-kumander subalit sinabi naman ni Macanas na sa tuwing may susukong rebelde ay awtomatikong nagpapalabas ng statement ang front leadership ng MILF at itinatanggi na hindi nila kasamahan ang mga ito. (Ulat ni Danilo Garcia/AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended