Nene pinatay sa gulpi ng tiyahing sira-ulo
January 23, 2003 | 12:00am
DARAGA, Albay Isang 4-anyos na batang babae ang nasawi makaraang hambalusin ito ng kahoy sa ulo at katawan ng kanyang tiyahin na may diperensiya sa pag-iisip kamakalawa ng hapon sa barangay Bascaran.
Ang nasawing biktima ay nakilalang si Jessel Lasarte habang nadakip naman kaagad ng pulisya ang suspek na si Virginia Llona, 28-anyos, dalaga at tiyahin ng nasawi.
Batay sa ulat ng mga awtoridad, dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon habang mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanilang bahay nang dumating ang suspek.
Bigla umanong kumuha ng isang pirasong kahoy si Virginia saka pinagpapalo sa ulo at katawan ang natutulog na biktima hanggang sa masawi ito.
Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad matapos mabatid ang ginagawang pagmamaltrato ng suspek sa kanyang pamangkin hanggang sa abutan ng mga pulis na patay na ang biktima sanhi ng tinamong mga palo sa ulo at katawan habang nakatulala naman ang suspek na mayroong diperensiya sa pag-iisip.
Sinabi ng mga residente na kapag sinusumpong umano ng kanyang sakit sa pag-iisip ang suspek ay nagiging bayolente ito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest