^

Probinsiya

Coed 7 beses sinaksak ng ka-textmate

-
DAVAO CITY – Isang nursing student ang himalang nabuhay matapos itong tangkaing gahasain at pitong beses undayan ng saksak ng kanyang ka-textmate sa loob ng isang motel sa lungsod na ito kamakailan.

Ang biktima ay kinilala lamang sa pangalang Ann, 20-anyos at nursing student ng San Pedro School of Nursing at nakatira sa Arsenia Wee Eng boarding house sa Santa Avenue ng lungsod na ito.

Pinaghahanap naman ng mga tauhan ng pulisya ang suspek na si Jonathan Jao, male staff nurse sa nasabing paaralan.

Ayon sa pahayag ni Ann sa pulisya, nakatanggap siya ng text na umano’y galing sa kanyang tiyahin na si Bibera at pinapupunta siya sa room 308 ng Aljems Inn sa Pichon Ave. dakong alas-9:00 ng gabi nitong Lunes.

Dahil sa pag-aakala na ang ka-text niya ay ang kanyang tiyahin ay sumunod naman ito kaya nagtungo sa nasabing Inn hanggang makatanggap muli siya ng message na nagsasabing maligo muna ito habang naghihintay, na ginawa naman ni Ann.

Habang naliligo ito ay biglang pumasok sa nasabing silid ang suspek na si Jao hanggang sa tangkaing gahasain ang estudyante subalit nanlaban ito.

Pinagsasaksak naman ng suspek ang biktima dahil nanlalaban ito pero sa kabutihang palad ay pawang mababaw lamang ang tinamong saksak ni Ann hanggang sa sumigaw ito kaya nagmadaling lumabas ng kuwarto si Jao.

Ipinagharap ng kasong attempted rape at frustrated homicide ng biktima ang suspek. (Ulat ni Edith Regalado)

vuukle comment

ALJEMS INN

ARSENIA WEE ENG

AYON

EDITH REGALADO

JAO

JONATHAN JAO

PICHON AVE

SAN PEDRO SCHOOL OF NURSING

SANTA AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with