Kanser sa baga No. 1 sakit sa Cavite
January 22, 2003 | 12:00am
Isa sa pangunahing sakit na kumakalat ngayon sa Cavite ay ang kanser sa baga sanhi ng pagdagsa ng mga mamamayang naninigarilyo partikular na ang mga kabataang mag-aaral sa mataas at mababang paaralan sa ibat ibang bayan sa nabanggit na lalawigan.
Ito ang mariing ipinahayag ni Dr. Cristina P. Magno, pangulo ng Pediatrics Department sa General Emilio Memorial Hospital matapos na maging pangunahing tagapagsalita sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martirez City noong Enero 20, 2003.
Pinayuhan ni Dr. Magno ang mga residenteng naninigarilyo sa Cavite na magkaroon ng matibay na determinasyon at seryosohin upang mapigil ang kanilang bisyo para na rin sa kanilang kalusugan, samantala, ang iba naman na walang bisyo hanggat maaari ay kailangan umiwas sa usok na dulot ng sigarilyo.
Idinagdag pa ni Dr. Magno na kailangan ang tulong ng mga lokal na pamahalaan ng pagpasa at ipatupad ang ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Nagpahayag naman ng suporta si Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi sa tinuran ni Dr. Magno dahil sa pagsusulong sa kalusugan ng mga mamamayan sa Cavite at nangakong imumungkahi sa Sangguniang Panlalawigan ng pagpasa ng ordinansa laban sa mga naninigarilyo sa pampublikong lugar. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
23 hours ago
Recommended