Bahay grinanada; 2 patay, 1 sugatan
January 22, 2003 | 12:00am
RIZAL, Nueva Ecija Dalawa-kato ang kumpirmadong nasawi, samantala, isa ang nasugatan makaraang hagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang nakamotorsiklo ang mga biktima na nasa labas ng bahay na sakop ng Barangay Poblacion Norte sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa Dr. Bautista Medical Hospital sina Marco Polo Mauyao, 29, may asawa, kasapi ng Bantay-Bayan sa nabanggit na barangay at Orlando Villa, 17, estudyante, samantala, nakilala naman ang nasugatan na si Rafael Mauyao Jr., 16 na pawang residente ng naturang lugar.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Moises Pagaduan, hepe ng Rizal police station, masayang nagkukuwentuhan ang tatlo sa labas ng bahay ni Rafael Mauyao Sr. nang biglang sumulpot ang dalawa at naghagis ng granada.
May palagay ang pulisya na ang dalawa ay kapwa kasapi ng makakaliwang kilusan at nasa ilalim ng test mission. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended