^

Probinsiya

15 tindahan nasunog

-
BATANGAS CITY — Tinatayang aabot sa labinlimang tindahan na pinaniniwalaang may P4-milyong ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog sa palengke na sakop ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Base sa nakalap ng ulat mula sa Batangas City Fire Dept., nagsimulang kumalat ang apoy dakong alas-7:15 ng gabi sa isang tindahan ng kendi sa Julian Pastor Memorial Market sa Brgy. Cuta sa lungsod na ito.

Napag-alaman sa ilang nakasaksi sa sunog na nagsimula ang apoy mula sa isang tindahan na nagre-repack ng cooking oil sa mga botelya.

Ayon pa sa ulat, naapula ang pagkalat ng apoy dakong alas-10 ng gabi matapos na magresponde ang mga miyembro ng pamatay-sunog ng Bauan, San Pascual, Padre Garcia, Ibaan at Chinese volunteers.

Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na sunog na umabot sa ikalawang alarma. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS CITY FIRE DEPT

BAUAN

BRGY

CUTA

IBAAN

JULIAN PASTOR MEMORIAL MARKET

NAPAG

PADRE GARCIA

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with