^

Probinsiya

Medical student kinidnap

-
CAMP CRAME – Pinaniniwalaang grupo ng notoryus na Pentagon kidnap-for-ransom ang kumidnap sa isang medical student sa Cagayan de Oro City noong Miyerkules, Enero 15, 2003.

Sa nakarating na ulat kahapon sa Camp Crame, humihingi ang mga kidnaper ng P100,000 hanggang P250,000 kapalit ng kalayaan ni Arlou Joseph Dia, 26, ng Gaisano City, Recto Avenue, Cagayan de Oro City.

Ang mensahe ng mga kidnaper ay ipinarating sa pamamagitan ng text message sa ina na si Dra. Vicitacion Dia na nakipag-ugnayan naman sa mga ahente ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER).

Nagawa namang makausap ng ina ang kanyang kinidnap na anak at nagsabing dinala siya sa kagubatan ng Marawi City na ngayon ay sinusuyod ng mga awtoridad upang mailigtas ang biktima.

Napag-alaman pa na inatasan ang ina ng biktima na ideposito ang ransom money sa ATM card ng kanyang anak kapalit ng paglaya nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARLOU JOSEPH DIA

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DRA

GAISANO CITY

MARAWI CITY

ORO CITY

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

RECTO AVENUE

VICITACION DIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with