Base sa ulat na ipinarating kay Major General Alberto Braganza, commanding general ng 7th Army Infantry Division, nagsimula ang palitan ng putok dakong alas-7:15 ng umaga matapos na madiskubre ng tropa ng 7th Scout Ranger Company at 702nd Infantry Brigade ang malaking kampo ng NPA sa kagubatan ng Sitio Inipit, Barangay Simbahan.
Wala namang iniulat na napatay sa panig ng tropa ng pamahalaan maliban sa mga patak ng dugo sa inabandona ng mga rebelde na pinalalagay na maraming nasugatan at posibleng madagdagan ang mga nasawi, ayon kay Col. Jovenal Narcise, commander ng 702nd Infantry Brigade ng Phil. Army.
Napag-alaman pa na na-intercept ng militar ang radio message mula sa panig ng mga rebelde na positibong may napatay na dalawang NPA sa isang oras na bakbakan.
Ang nadiskubreng kampo ay ginamit ng NPA noong Disyembre 26, 2002 bilang pag-alala sa kanilang anibersaryo na may codenamed KLG Davao. Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ay 10 jungle backpacks, 2 M-16 assault rifles at Icom handheld radio. (Ulat nina Ding Cervantes/Danilo Garcia/Pesie Meñoza)