2 NPA napatay sa kanilang kampo
January 20, 2003 | 12:00am
DINALOGAN, Aurora Dalawang rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang iniulat na nasawi, samantala, hindi pa mabatid na bilang ang nasugatan makaraang sakupin ng tropa ng militar ang malaking kampo ng mga rebelde sa hilagang bahagi ng Aurora kahapon ng umaga.
Base sa ulat na ipinarating kay Major General Alberto Braganza, commanding general ng 7th Army Infantry Division, nagsimula ang palitan ng putok dakong alas-7:15 ng umaga matapos na madiskubre ng tropa ng 7th Scout Ranger Company at 702nd Infantry Brigade ang malaking kampo ng NPA sa kagubatan ng Sitio Inipit, Barangay Simbahan.
Wala namang iniulat na napatay sa panig ng tropa ng pamahalaan maliban sa mga patak ng dugo sa inabandona ng mga rebelde na pinalalagay na maraming nasugatan at posibleng madagdagan ang mga nasawi, ayon kay Col. Jovenal Narcise, commander ng 702nd Infantry Brigade ng Phil. Army.
Napag-alaman pa na na-intercept ng militar ang radio message mula sa panig ng mga rebelde na positibong may napatay na dalawang NPA sa isang oras na bakbakan.
Ang nadiskubreng kampo ay ginamit ng NPA noong Disyembre 26, 2002 bilang pag-alala sa kanilang anibersaryo na may codenamed KLG Davao. Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ay 10 jungle backpacks, 2 M-16 assault rifles at Icom handheld radio. (Ulat nina Ding Cervantes/Danilo Garcia/Pesie Meñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended