Hapones dinukot, pinatay ng karibal
January 20, 2003 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite - Nagwakas ang matagal na paghahanap sa nawawalang Japanese trader na pinaniniwalaang dinukot ng karibal sa negosyo mula sa Davao City makaraang matagpuan ang bangkay sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon.
May palatandaang pinahirapan muna saka pinatay ang biktimang si Hitoshi Takahashi, 42 at residente ng 26 Mayamaya Street, Agdao, Davao City.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima na wasak ang bao ng ulo at nakilala lamang dahil sa wallet na nakuha sa bulsa kaya kinontak ng mga awtoridad ang mga numero ng telepono upang beripikahin ang pagkakakilanlan.
Ayon kay PO2 Dominador Logon, positibo namang kinilala nina Yasuo Iwasaki, pinsan ng Hapones at Amalia Takahashi, asawa ni Hitoshi ang bangkay ng biktima na matagal na nilang hinahanap.
May teorya ang mga imbestigador na dinukot ang biktima saka dinala sa nabanggit na lugar at dito pinaslang upang iligaw ang mga awtoridad sa isinasagawang pagsisiyasat. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest