Ex-actor Fred Galang at Vic Vargas walang kinalaman sa extortion sa SBMA
January 19, 2003 | 12:00am
Mariing pinabulaanan ng pamilya ng dating aktor na ngayoy Christian preacher na si Fred Galang na itoy nasangkot sa kasong extortion kasama ang aktor na si Vic Vargas sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) noong Enero 9, 2003 ng hapon.
Ang tunay na aktor ay kasalukuyang nasa Amerika at matagal nang di bumabalik ng Pilipinas, samantala, ang gumamit ng pangalan ay nakilalang si Alfredo Soliman Galang, 52, may asawa ng Honestly Street, Industrial Park, SBMA, Olongapo City.
Si Vic Vargas naman ay nagkataong naroon at hindi nakialam sa kanyang kaibigang si Alfredo Galang bagkus ay nagbigay lamang ng moral support makaraang madakip sa isinagawang entrapment ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Luzon Regional Office.
Hindi naman sangkot si Vic Vargas katulad ng naunang ulat na sangkot siya sa pangongotong, ayon kay Edilberto S. Marcelo Jr. ng NBI CELRO.
Magugunitang, napaulat sa PSN noong Enero 11, 2003 na ang dalawang aktor ay dinakip sa kasong extortion sa reklamo nina Pyra Lucas at Yolly Carreon ng Angeles City.
Humingi ng P350,000 si Galang sa dalawa upang mailabas ang limang imported na sasakyan sa SBMA at ginamit pa nito ang pangalan ni Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo. (Ulat ni Pesie Meñoza)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest