^

Probinsiya

Konsehal, kagawad itinumba ng NPA

-
Dalawa katao kabilang na ang municipal councilor, ang pinagbabaril hanggang mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa magkahiwalay na lalawigan kamakalawa.

Sina Barangay Kagawad Roberto Saludan Pones, 48, ng Brgy. Silongan at Galo Jose Garcia, 39, municipal councilor sa Ligao City, Albay ay itinumba ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Base sa ulat ng pulisya, naitala ang pagkakapatay kay Pones dakong alas-9 ng gabi habang nagsusugal ng cara y cruz sa Brgy. Silongan, San Francisco, Quezon.

Nilapitan ng mga hindi kilalang lalaki ang pinagsusugalan ng biktima na inakala naman ng iba ay manonood lamang.

Ilang sandali pa lamang ang nakalilipas ay sunud-sunod na putok ang umalingawngaw kaya nagpulasan ang mga kalaro ng biktima sa takot na tamaan ng ligaw na bala ng baril.

Samantala, si Garcia naman ay pinatay sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Palapas, Ligao City, Albay habang nagpapahangin.

Bandang alas-10 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga rebelde mula sa madilim na bahagi ng naturang lugar at pinaulanan ng bala ng baril ang biktima.

Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang krimen kung may kinalaman sa pangongolekta ng revolutionary tax ng mga kasapi ng makakaliwang kilusan. (Ulat nina Tony Sandoval at Ed Casulla)

ALBAY

BRGY

ED CASULLA

GALO JOSE GARCIA

LIGAO CITY

NEW PEOPLE

SAN FRANCISCO

SILONGAN

SINA BARANGAY KAGAWAD ROBERTO SALUDAN PONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with