^

Probinsiya

10 sako ng sangkap na pampasabog nasabat

-
BATANGAS — Umaabot sa 250 kilong pampasabog ang nasabat ng mga awtoridad sa pantalan ng Batangas City noong Biyernes ng hapon habang nagsasagawa ng inspection ang grupo ng PNP Maritime Group sa nabanggit na lugar.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Rodolfo Magtibay, Batangas police director, nadiskubre ang 10 sako ng ammonium nitrate dakong alas-2:30 ng hapon sa bodega ng naturang pantalan na sakop ng Barangay Sta. Clara.

Agad na sinuri ng mga tauhan ni P/Inspector Leonardo Maramot ang inabandonang malaking kahon na pinaniniwalaang iniwan makaraang makatunog na may mga awtoridad na nagsasagawa ng pagrerekisa sa mga bagahe.

May palagay ang mga imbestigador na ang inabandonang pampasabog ay dadalhin sa Oriental Mindoro at gagamitin sa paghahasik ng lagim ng mga rebelde. (Ulat nina Arnell Ozaeta/Joy Cantos)

ARNELL OZAETA

BARANGAY STA

BATANGAS

BATANGAS CITY

INSPECTOR LEONARDO MARAMOT

JOY CANTOS

MARITIME GROUP

ORIENTAL MINDORO

RODOLFO MAGTIBAY

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with