3 bagets na pumaslang sa estudyante, tiklo
January 18, 2003 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Tatlong kabataang lalaki na itinuturong pumatay sa isang estudyante sa Los Baños ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad matapos maaresto ang mga ito sa Calamba City.
Iniharap ni Chief Superintendent Enrique Galang, Calabarzon regional director, ang mga naarestong suspects na sina Marvin Alconzer, 19; Marvic Mabaga, 19 at Michael Estacio, na pawang nakatira sa Barangay Majada Labas, Calamba.
Ayon kay C/Supt. Galang, ang grupo ni Alconzer ang itinuturong pumatay kay Marun Jun Atienza noong Enero 5 sa Canlubang, Laguna.
Bukod dito, ang tinaguriang Alconzer group din ang sinasabing nasa likod ng pagpaslang sa isang bakla at isang tricycle driver.
Unang bumagsak sa kamay ng pulisya si Alconzer ng maaresto ito sa kanilang tahanan nitong Enero 12 habang sumunod namang naaresto nina Chief Insp. Boy Masonsong sina Mabaga at Estacio.
Nakumpiska din ng mga awtoridad mula sa mga kabataang ito ang isang kalibre 38 baril at isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Napag-alaman pa ng pulisya na bukod sa mga kasong pagpatay ay sangkot din ang Alconzer group sa serye ng nakawan sa Canlubang bukod sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na droga.
Nakakulong na ang mga kabataang ito sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng mga kasong murder, illegal posession of firearms at illegal drugs. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest