Sinabi ni Sec. Reyes, inakala nilang totoong susuko sa pamahalaan si Kumander Sali matapos ibigay dito ang hiningi niyang P400,000 bilang bahagi ng kanilang negosasyon.
Hindi sumuko si Sali pero nakuha nito ang hininging P400,000 sa militar hanggang sa ipagmalaki pa ng ASG lider na naloko nito ang AFP.
Ayon kay Reyes, hindi maiiwasan na magkaroon ng onsehan sa anumang negosasyon na tulad nito.
Aniya, bukod sa monetary consideration ay kung ano-ano pa umano ang hinihinging kapalit ni Sali para sumuko siya sa pamahalaan.
Pinayuhan naman ni PNP chief Hermogenes Ebdane ang AFP na huwag na itong makipag-negosasyon kay Sali at sa sinumang ASG lider dahil hindi nararapat ito.
"Let him rot in the jungle and let the forces hunt him down," giit pa ni Ebdane. (Ulat ni Danilo Garcia)