^

Probinsiya

AFP na-onse ng ASG commander

-
CAMP AGUINALDO Inamin ni Defense Secretary Angelo Reyes na naisahan sila ni ASG lider Hamsiraj Sali ng mapaniwala sila nito na susuko sa gobyerno kapalit ng hiningi nitong P400,000.

Sinabi ni Sec. Reyes, inakala nilang totoong susuko sa pamahalaan si Kumander Sali matapos ibigay dito ang hiningi niyang P400,000 bilang bahagi ng kanilang negosasyon.

Hindi sumuko si Sali pero nakuha nito ang hininging P400,000 sa militar hanggang sa ipagmalaki pa ng ASG lider na naloko nito ang AFP.

Ayon kay Reyes, hindi maiiwasan na magkaroon ng onsehan sa anumang negosasyon na tulad nito.

Aniya, bukod sa monetary consideration ay kung ano-ano pa umano ang hinihinging kapalit ni Sali para sumuko siya sa pamahalaan.

Pinayuhan naman ni PNP chief Hermogenes Ebdane ang AFP na huwag na itong makipag-negosasyon kay Sali at sa sinumang ASG lider dahil hindi nararapat ito.

"Let him rot in the jungle and let the forces hunt him down," giit pa ni Ebdane. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANIYA

AYON

DANILO GARCIA

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

EBDANE

HAMSIRAJ SALI

HERMOGENES EBDANE

INAMIN

KUMANDER SALI

REYES

SALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with