Barangay kagawad itinumba

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad na pinaniniwalaang isa sa mga tauhan ni dating Cavite Governor Bong Revilla ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papalabas ng electronic shop sa Soldiers Hills 4, Barangay Molino, Bacoor, Cavite.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Molino Doctors Hospital si Larry Lazarte ng Soldiers Hills 4 Subdivison ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO2 Carlito Gener, naganap ang krimen dakong alas-2:15 ng hapon sa harap ng electronic shop.

May teorya ang pulisya na matagal na alitan na namuo sa pagitan ng kanyang kapitbahay ang motibo ng pamamaslang sa biktima at pansamantalang hindi tinukoy ang suspek upang hindi maantala ang isinasagawang follow-up operation. (Ulat ni Lanie Mate-Sapitanan)

Show comments