Hapones pinatodas ng live-in partner

CAMP CRAME – Isang Hapones ang iniulat na pinatodas ng sadistang live-in partner na babae sa Barangay Bingkongan, Tagum City noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Hayashi Akito, pansamantalang nakatira sa Orchid Street, El Rio Vista Bacaca, Davao City, Davao del Norte, samantala, nakilala naman ang suspek na si Miraflor Hadraki na umamin sa pangyayari.

Ikinanta naman ni Hadraki na ang live-in partner ng biktima ang nag-utos sa kanyang patayin ang Hapones dahil sa masyadong sadista.

Dinakip din ng pulisya sina Jerry Roncal, 33; Lovely Bill, 19 at Joseph Francis, 24 na pawang residente ng St. Michael Village, Davao City na positibong itinurong killer si Hadraki. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments