^

Probinsiya

2 ginang nagpakamatay

-
Dalawang misis ang kumpirmadong nagbigti at napatay sa naganap na magkahiwalay na pangyayari sa Lucena City at Iba, Zambales kamakalawa.

Sina Aileen Roquino Madaje, 17 at Luciana Tolentino, 53 ay nagpasyang mag-suicide dahil sa magkaibang hinanakit sa kanilang mister, ayon sa ulat ng pulisya.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO1 Renato Pelobello, natagpuan ang bangkay ni Madaje bandang alas-3 ng hapon na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Isa sa mga dahilan kaya nag-suicide si Madaje ay hindi na nito matagalan ang pambubugbog ng kanyang mister sa loob ng kanilang bahay sa Purok Talisay, Barangay Talao-Talao, Lucena City.

Wala namang nakuhang suicide note ang mga imbestigador maliban sa impormasyong nakalap mula sa ilang kapitbahay na malimit magkasagutan ang mag-asawa sa hindi nabatid na dahilan.

Samantala, si Tolentino naman ay nagpasyang mag-suicide sa bahay ng kanyang hipag sa Purok 7, Barangay Amungan, Iba, Zambales kamakalawa ng tanghali.

Base sa pagsisiyasat ni PO3 Bernard Feliciano, minasama ng biktima ang pagkakasigaw ng kanyang mister sa harap ng mga mamimili sa tindahan na pag-aari ng kanyang hipag.

Kaya umakyat ng bahay at ilang oras ang nakalipas ay natagpuang nakabitin ang katawan ng biktima dakong alas-12 ng tanghali. (Ulat nina Tony Sandoval at Erickson Lovino)

vuukle comment

BARANGAY AMUNGAN

BARANGAY TALAO-TALAO

BERNARD FELICIANO

ERICKSON LOVINO

LUCENA CITY

LUCIANA TOLENTINO

MADAJE

PUROK TALISAY

RENATO PELOBELLO

SINA AILEEN ROQUINO MADAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with