Negosyante dinukot sa kalye
January 16, 2003 | 12:00am
Pinaniniwalaang dinukot ang isang mayamang negosyante ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Balintawak, Lipa City, Batangas noong Martes, Enero 14, 2003.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng PSN, nakilala ang biktima na si Jesus Changcoco, may-ari ng Air Line Car Center sa Ayala, Makati City at residente ng Barangay Sabang, Lipa City, Batangas.
Naitala ang pagdukot sa biktima bandang alas-11:45 ng tanghali makaraang harangin ang sasakyan ng biktima ng mga armadong kalalakihan.
Napag-alaman pa na patungo ang biktima sa kanyang kompanya sa nabanggit na lungsod nang biglang sumulpot ang sasakyan ng mga kidnaper.
Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima upang mapadaling mailigtas sa kamay ng mga kidnaper.
Kasalukuyan namang hindi ibinunyag ng pulisya sa mga mamamahayag ang pangyayari dahil na rin sa seguridad ng negosyante. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended