Ang biktima na malubhang nasugatan at ngayon ay inoobserbahan sa Our Lady of Pillar Hospital ay nakilalang si Noel Reva, ng Paredes Street sa bayang ito, samantala, ang drayber ng trak (TMG-607) na ngayon ay nakapiit ay nakilalang si Eliazar Amangca ng Araneta Avenue, Quezon City.
Naitala ang aksidente bandang alas-6 ng gabi makaraang sumabit ang damit ng biktima sa likurang bahagi ng trak kaya nakaladkad ng may ilang metro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)