^

Probinsiya

2 aide ng ABC president patay sa ambus

-
ARAYAT, Pampanga – Dalawang guwardiya ng utol ng mayor ang kumpirmadong nasawi, makaraang ambusin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng van sa Barangay Cacutud sa hangganan ng Arayat at San Fernando City kahapon.

Sa ulat ni P/Sr. Supt. Rodolfo Mendoza, Pampanga police director, ang dalawang napatay ay nakilalang sina Fernando Martinez at Marcelo Perez, samantala, ang driver na si Ramonchito Galang ay malubhang nasugatan.

Ang mga nasawi ay pawang security aide ni Chito Espino, ABC president at kapatid ni Mayor Benigno Espino.

Napag-alaman pa sa ulat ni Mendoza, bandang alas-4:30 ng hapon nang tambangan ang grupo ni Espino subalit gumanti naman ng putok ang mga bodyguard nito kaya tinamaan ang isa sa mga killer bago nahulog sa sinasakyang van.

Nabatid pa sa ulat na pababa ng sasakyan si Chito nang biglang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan bago mabilis na nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

May palagay naman ang mga tauhan ni Espino na responsable sa naganap na pananambang ang grupo ni Mil Lumbang, lider ng Rebolusyunaryong Guerilla ng Arayat (RGA). (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

ARAYAT

BARANGAY CACUTUD

CHITO ESPINO

DING CERVANTES

FERNANDO MARTINEZ

MARCELO PEREZ

MAYOR BENIGNO ESPINO

MIL LUMBANG

PAMPANGA

RAMONCHITO GALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with