120 taon kulong sa rapist
January 14, 2003 | 12:00am
DAVAO CITY Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng mababang korte sa rapist ng isang 14-anyos na babae noong 1997 na mabilanggo ng 120 taon.
Sa pagpapatibay ng desisyon ng First Division ng High Tribunal laban kay Jimmy Plurad ay batay sa naunang desisyon ni Regional Trial Court Branch 17 Judge Renato Fuentes.
Base sa rekord ng korte, patuloy pa rin nakalalaya ang dalawang kasama ni Plurad na sina Roberto Bernadas at Juvanie Caqedo na isinabwat sa panghahalay laban sa biktima noong Oktubre 22, 1997.
Hindi naman binigyan ng timbang ang testimonya ng akusado dahil sa walang sapat na maisumiteng ebidensiya sa kanyang alibi bagkus pinaniwalaan ng korte ang sinabi ng dalagita.
Napag-alaman pa sa rekord ng korte, lumalabas na nagkainuman ng alak ang akusado at biktima hanggang sa mahilo ang dalagita saka nagyaya si Bernadas na ituloy ang inuman sa kanilang bahay.
Dito na isinagawa ang maitim na balak ng tatlo laban sa biktima hanggang sa ipagbigay-alam ang pangyayari sa kanyang ama. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended