^

Probinsiya

Matalik na kaibigan ni Viña pinatay din

-
CAMP PANTALEON, GARCIA, Cavite Isang matalik na kaibigan at isa sa pinaniniwalaang saksi sa pagkakapatay sa dating hepe ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa Central Visayas na si P/Sr. Supt. Teofilo Viña ang pinatay din sa sariling resthouse sa Barangay Punta, Tanza, Cavite noong Linggo ng umaga.

Walong saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ni Benjamin Tulabot, 56, dating postmaster ng Rosario, Cavite at residente ng Carissa Subdivision, Barangay Punta.

Si Tulabot ay naging matalik na kaibigan ni Viña sa Rosario post office at nagkataon naman na hepe ng pulisya ng nabanggit na bayan ang pinatay na dating opisyal ng pulis.

May palatandaan din na sinakal si Tulabot nang matagpuan ang bangkay nito bandang alas-7 ng umaga.

Napag-alaman pa na si Tulabot ay ilan lamang sa mga bisitang nakaupo sa mahabang lamesa noong itumba si Viña noong gabi ng Enero 7, 2003 sa Barangay Santol, Tanza, Cavite.

Sa panayam naman ng PSN kay P/Sr. Supt. Roberto L. Rosales, Cavite provincial police director, sinabi nito na walang kinalaman ang pagkamatay ni Tulabot kay Viña dahil sa kasalukuyan ay nakilala na ang suspek na si Jhimmy Dojinog, 32, mason, may asawa ng Brgy. Cruses at isang hindi nabatid na kasamahan.

Sinabi pa ni Rosales na pinatay si Tulabot ng kanyang trabahador na si Dojinog at isa pang hindi nabatid ang pangalan dahil sa pagkairita sa ginawang paninita at maanghang sa salita ng biktima dahil na rin sa hindi tinapos ang ipinagawang barandilya kahit na naibigay na ang suweldo ng dalawa.

Magugunitang si Viña ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng suspek na si Medar T. Cruz, 28, isang balikbayan mula sa Virginia, USA.

Kabilang sa nakasaksi sa pagkakapatay kay Viña ay sina General Trias Mayor Dencito Campaña, Asst. Prosecutor Emmanuel Velasco, dating pulis na si Totoy Dones at Rene Arenas. (Ulat nina Mario Baco at Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BARANGAY PUNTA

BARANGAY SANTOL

BENJAMIN TULABOT

CARISSA SUBDIVISION

CAVITE

CENTRAL VISAYAS

CRISTINA GO-TIMBANG

GENERAL TRIAS MAYOR DENCITO CAMPA

SR. SUPT

TULABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with