Kabikulan sentro ng NPA recruitment
January 13, 2003 | 12:00am
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City Pinaniniwalaang mula sa Bicol Region ang mga bagong recruit na kasapi ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos na maging sentro ng makakaliwang kilusan ang naturang rehiyon.
Napag-alaman kay Major Jose Broso, group commander ng CRS sa Bicol na nakasentro ang recruitment ng NPA sa Kabikulan na pawang mga kabataang may edad na 13 hanggang 17-anyos.
Sinasanay ang mga bagong kasapi sa hindi nabatid na kagubatan ng Kabikulan at isinasailalim sa test mission.
Nabatid pa sa ulat na karamihan sa sumapi ay binigyan ng suweldo at baril bilang parte sa kilusan at mahusay na mandirigma.
Sa nakumpiskang dokumento mula sa makakaliwang kilusan, si Gregorio "Ka Roger" Rosal ang kasalukuyang namumuno sa pangangalap ng mga bagong kasapi.
Maging ang mga residente sa ibat ibang barangay sa Kabikulan ay hindi na nagbibigay ng revolutionary tax dahil na rin sa kahirapan ng buhay na naging sanhi upang puntiryahin ang lahat ng may-ari ng cellsite, pabrika ng semento at mga bus terminal. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest