^

Probinsiya

Kampo ng NPA nakubkob

-
CAMP AGUINALDO – Nakubkob ng tropa ng militar ang pinakamalaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang magsagawa ng combat patrol sa bulubundukin ng Sitio Dupinga, Barangay Tagumpay, Gabaldon, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ni Col. Jovenal Narcise, ng 702nd Brigade ng Philippine Army na isinumite sa Camp Aguinaldo, inabandona ng mga rebelde ang kampo na may 26 bunkers.

Sinabi pa ni Narcise na aabot sa 500 rebelde ang may-aring umakupa sa nadiskubreng kampo na nakapuwesto sa mataas na bahagi ng Sierra Madre at hindi maaaring makita ng surveillance helicopter team na sumusuyod sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman pa kay Narcise na simula pa noong Enero 2002 ay pinaghahanap na nila ang nabanggit na kampo dahil sa impormasyong nakalap na ginagawang sanayan ng mga bagong recruit na kasapi.

"Ito ang pinakamalaking kampo na nadiskubre ng militar matapos na magdeklara ng all-out-war laban sa makakaliwang pamahalaan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY TAGUMPAY

CAMP AGUINALDO

DANILO GARCIA

ENERO

JOVENAL NARCISE

NARCISE

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARMY

SIERRA MADRE

SITIO DUPINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with