2 lalaki na naka-motorsiklo niratrat
January 11, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo ang nasawi matapos bistayin ng bala ng mga hindi nakilalang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng isang sindikato kamakalawa ng hapon sa lalawigan ng South Cotabato.
Nakilala ang mga nasawing sina Marcos Ruta at Radsak Kabalo, kapwa residente ng Polomolok, ng naturang lalawigan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang insidente dakong ala-1:45 ng hapon sa may bisinidad ng Dagus, Cannery Road, Polomolok, South Cotabato.
Nakasakay ang dalawang biktima ng motorsiklo nang biglang harangin ng isang Mitsubishi L-300 van at walang habas na tinadtad sila ng bala.
Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Nakuha sa lugar ng insidente ang mga slug at basyo ng kalibre .45 baril.
Tinitingnan ng pulisya ang anggulo na miyembro ng isang sindikato ang may gawa. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended