2 magsasaka nilikida ng NPA
January 10, 2003 | 12:00am
CAMP CONRADO YAP, Zambales Dalawang magsasaka ang iniulat na nilikida ng mga hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagpapahinga sa kani-kanilang bahay sa Sitio Dapla, Barangay Salaza, Palauig, Zambales kamakalawa ng gabi.
Ang magkapitbahay na biktima ay nakilalang sina Delfin De San Juan, 31, tubong San Marcelino, Zambales at Hilardo Bading, 50, tubong Abra at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Pinagbabaril hanggang sa mapatay sina San Juan at Bading dakong alas-7:30 ng gabi makaraang pumasok at palabasin ng mga rebelde ang magkapitbahay.
May palagay ang mga awtoridad na bumaligtad ang dalawa sa makakaliwang kilusan kaya pinatahimik. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest