Dalaga ni-rape, pinatay ng adik

BACOLOD CITY – Isang 21-anyos na dalaga na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinatay ng hindi kilalang lalaking adik ang natagpuan noong Lunes sa plantasyon ng tubo sa Hacienda Consolacion, Barangay Guinhalaran, Silay City.

Ang bangkay ng biktima na halos naaagnas na ay kinilalang si Analee Cañete ng Purok Malipayon sa nabanggit na barangay.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, nag-paalam ang biktima sa kanyang amang si Apring na magtutungo sa simbahan noong Disyembre 24, 2002 subalit hindi na nakabalik pa at natagpuan na walang saplot sa ibabang bahagi ng katawan na pinalalagay na ni-rape muna saka pinaslang. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

Show comments