Mag-asawa todas sa road mishap

CAMP CRAME – Duguang tumilapon at namatay mula sa sinasakyang bisekleta ang mag-asawa makaraang salpukin ng rumaragasang van sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Antogongaton, Butuan City, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.

Kahit na naisugod sa Butuan City Medical Center ay idineklarang patay sina Leonardo Generalao at Ofelia dahil sa pagkabagok ng ulo sa sementong kalsada at pagkabali ng buto sa iba’t ibang bahagi ng katawan, samantala, sumuko naman ang drayber ng van (GKF-285) na si PO1 Abner Ytac, pulis-Butuan matapos na isugod sa ospital ang mag-asawa.

Naitala ng pulisya ang aksidente dakong alas-7:30 ng gabi makaraang hindi mapuna ng pulis ang mag-asawang nagbibisikleta dakong alas-7:30 ng gabi kaya naganap ang aksidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments