^

Probinsiya

Manugang ni Mel Mathay inambus

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan ang manugang ni dating Quezon City Mayor Mel Mathay makaraang tambangan ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan sa Sitio Lawang Bato, Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan kahapon ng umaga.

Limang tama ng bala ng kalibre 45 baril ang pumasok sa katawan ni Antonio "Peegee" Jaramillo, 52, may-ari ng malaking farm sa Barangay Lawang Bato, samantala, nakaligtas naman ang anak ng biktima na si PJ Jaramillo at isa pang kasama na hindi nabatid ang pangalan.

Sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., Bulacan provincial police director, nagmamaneho ng Pajero (WKG-544) ang biktima patungo sa kanyang farm sa nabanggit na barangay nang sumulpot sa tagiliran ang tatlo sakay ng motorsiklo.

Bandang alas-9:15 ng umaga ay nagsimulang paulanan ng bala ng baril sa sasakyan ang biktima ng mga killer na pinaniniwalaang mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

May teorya ang mga awtoridad na tyenempuhan ng mga killer ang biktima na patungo sa kanyang farm bago isagawa ang pananambang at dahil sa pag-aakalang napatay nila ang target ay kaagad na nagsitakas sa hindi nabatid na direksyon.

Napag-alaman pa sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa ilang nakasaksi sa pangyayari na pawang mga kabataan ang pagmumukha ng mga killer at animo’y bihasa sa paghawak ng baril at pagpapatakbo ng motorsiklo.

Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa revolutionary tax o kaya naman ay nakatala sa listahan ng mga rebelde ang biktima. (Ulat nina Efren Alcantara at Danilo Garcia)

BARANGAY LAWANG BATO

BARANGAY SILING BATA

BULACAN

DANILO GARCIA

EFREN ALCANTARA

FELIZARDO SERAPIO JR.

JARAMILLO

NEW PEOPLE

QUEZON CITY MAYOR MEL MATHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with