3 NPA rebels patay sa engkuwentro

Tatlong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong nasawi makaraang makasagupa ang tropa ng 8th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio San Dionisio, Barangay Indulang, Bukidnon kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyan pang bineberipika ang pagkikilanlan ng tatlong rebelde na nakuhanan ng US made shotgun, sumpak at M-79 grenade luncher at granada.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang engkuwentro bandang alas-2:10 ng hapon habang nagsasagawa ng patrolya ang tropa ng militar sa nabanggit na barangay.

May teorya ang militar na malapit lamang ang kampo ng mga rebelde dahil sa namataan nila ang tatlo na naglalakad. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments