Trike vs jeep: 3 patay, 3 grabe
January 7, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Tatlo katao ang kumpirmadong nasawi, samantala, tatlo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na pampasaherong dyip kamakalawa ng hapon sa national highway na sakop ng Barangay Castillo, Isabela.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Gaffud District Hospital sina Jun Asuncion, 24, drayber ng traysikel; Roberto de Guzman, 24 at Armando Simangan, 24 na pawang residente ng Echague, Isabela.
Samantala, ang malubhang nasugatan ay nakilalang sina Ariel Asuncion, 24; Melita Ellano, 18 at Gemma Estioco na ginagamot sa naturang ospital.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang aksidente bandang alas-5:45 ng hapon makaraang mag-overtake ang traysikel sa rumaragasang traysikel din.
Nakasalubong ng traysikel ni Asuncion ang pampasaherong jeep (DRP-739) na minamaneho ni Gilbert Balino, 22 kaya naganap ang trahedya. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended