Nabatid sa ulat ni Florence Reyes, Baguio City health department chief na dalawang matanda at apat na bata ang iniulat na nagkasakit ng pneumonia at asthma dahil sa komplikasyon sa sobrang lamig ng panahon.
Walang pinagkaiba sa ibang bansang may winter season ang Baguio City kaya naman hindi kaagad nakapaghanda ang mga biktima sa sobrang lamig ng panahon.
Sa ulat ng mga awtoridad, tumaas ang temperatura sa 10.2 degrees Celsius (50 degrees Fahrenheit) noong Biyernes, Enero 3, 2003 kaya kahit na tanghali ay halos hindi makita ang matataas na gusali dahil sa dulot ng makapal na hamog.
Napag-alaman pa kay Wilson Lucando, lokal weather officer na ang sobrang lamig ng panahon ay dulot ng natutunaw na yelo sa Siberia na naapektuhan ang naturang lungsod.
Hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng sobrang lamig ng panahon, maging ang Taiwan na nagsisimula ang tag-lamig kapag sumasapit na ang buwan ng Nobyembre hanggang Abril.