^

Probinsiya

3 katao pinatay dahil sa alitan

-
LINGIG, Surigao del Sur –Tatlo katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na nasawi, samantala, isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihan habang ang mga biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Barangay Union sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang tatlong napatay na sina Barangay Chairman Jaime Badang Lanquibo, dalawang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na sina Fidel Bandaayon at Tedolo Luna Caramat habang si Artemio Inta na kasapi rin ng CVO ay malubhang nasugatan.

Kasalukuyan namang tinutugis ng pulisya ang mga suspek na sina Rolando Tilod at Pupit Ponciano na bumaril sa mga biktima, samantala, sina Rene Boy at kapatid nitong si Cosme Macaylas ay nagsilbing look out sa naganap na krimen.

May teorya ang pulisya na matinding alitan ang namagitan sa mga biktima at mga suspek. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

ARTEMIO INTA

BARANGAY CHAIRMAN JAIME BADANG LANQUIBO

BARANGAY UNION

BEN SERRANO

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

COSME MACAYLAS

FIDEL BANDAAYON

PUPIT PONCIANO

RENE BOY

ROLANDO TILOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with