^

Probinsiya

Head breaker sumabog; 1 todas, 2 grabe

-
TAGAYTAY CITY, Cavite – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay binawian ng buhay ang isang obrero, samantala, dalawa pang kasamahan nito ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang head breaker na ginagamit sa pagbubutas ng konkretong kalsada sa Barangay Kaybagal South sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Duguang bumulagta ang biktimang si Sonny Boy Bicona, 21, binata, samantala, ang grabeng nasugatan ay nakilalang sina Alejandro Anura, 25 at Ramon Reyes, 31 na pawang stay-in construction workers ng Taal Vista sa lungsod na ito.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ni SPO4 Samuel Baybay, naganap ang aksidente bandang alas-4:30 ng hapon habang nagsasalin ng gasolina ang tatlo sa hawak nilang head breaker.

May palagay ang pulisya na sumabog ang head breaker dahil na rin sa masyadong mainit nang salinan ng gasolina na ikinasawi ni Bicona. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

ALEJANDRO ANURA

BARANGAY KAYBAGAL SOUTH

BICONA

CAVITE

CRISTINA GO TIMBANG

DUGUANG

RAMON REYES

SAMUEL BAYBAY

SONNY BOY BICONA

TAAL VISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with